|
Maraming nagsasabi na libre lang raw ang mangarap.
|
|
Tiyak na may pangarap ka sa buhay
|
|
Ang pangarap ay kakaiba sa panaginip. Ang panaginip ay nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw ay natutulog.
|
|
Hindi rin pagpapantasya ang pangarap. Ang pantasya ay likha ng malikhaing isip.
|
|
Hindi nakakabuti ang pagtakas sa suliranin.
|
|
Lumilipas ang panahon kaya dapat kung mayroon kang pangarap ngayon, umpisahan mo nang magplano upang maisakatuparan ito.
|
|
Upang magkaroon ng higit na pag-unawa sa pagtatakda ng mithiin, alalahanin ang mga sumusunod na mga praktikal na pamantayan.
|
|
|
Specific (Tiyak)
|
Tiyak ang iyong mithiin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais na mangyari sa iyong buhay.
|
|
Measurable (Nasusukat)
|
Una, nasusukat mo ang iyong kakayahang kumuha ng kursong nais mo. Pangalawa, nasusukat mo ang iyong progreso sa pagsulong ng panahon patungo sa iyong mithiin.
|
|
Attainable (Naabot)
|
Ang mithiin ay makatotohanan, maabot, at mapanghamon.
|
|
Relevant (Angkop)
|
Kailangan mong suriin ang iyong prayoridad: ang unang mahalaga sa iyo, sumunod ay ang pangalawang mahalaga para sa iyo.
|
|
Time-Bound (Mabibigyan ng Sapat na Panahon)
|
Isipin mo kung gaano katagal mo kayang matutupad ang iyong mithiin.
|
|
Action-Oriented
|
Ang pagpapahayah ng mithiin ay kailangang nasa pangkasalukuyang kilos.
|
|
Handang kumilos upang maabot ito.
|
Ang isang taong may pangarap ay handang magsumikap at magtiyaga upang marating ang mga ito.
|
|
Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap.
|
Lubos na nadarama ng taong nangangarap ang pagnanasang matupad ang mga ito.
|
|
Nadarama ang pangangailangang makuha ang mga pangarap.
|
Ang paghahangad na makuha ang mga pangarap ay lubos para sa mga taong naniniwalang kailangan nila ito sa kanilang buhay.
|
|
Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito.
|
Ang pagkakaroon ng paniniwala na matutupad ang mga pangarap ang siyang malaking kontribusyon sa pagsisikap ng tao.
|
|
Ang pangmadaliang mithiin ay maaring makamit sa loob ng isang araw, isang linggo, o ilang buwan lamang.
|
|
Ang pangmatagalang mithiin ay maaring makamit sa loob ng isang semester, isang taon, limang taon, o sampung taon.
|
|
Ang pangmatagalang mithiin at karaniwang makahulugan at mahalagang mithiin.
|
|
Ang kakailanganin mithiin o enabling goal ay espesyal na uri ng pangmadaliang mithiin dahil ito ay pantulong sa pagkamit ng pangmatagalang mithiin.
|
|
Sa pagtatakda ng pangmadalian at pangmatagalamg mithiin, kailangan mo ring suriing mabuti ang mga maaring mangyari sa bawat yugto patungo sa iyong mithiin.
|
|
Bilang tao ang katuparan ng ating pangarap ay nakatali sa ating pinipiling bokasyon.
|
|
Sa ngayon, ang unang hakbang na kailangan mong gawin ay ang pagtukoy sa iyong mga pangarap na ito ang itatanim sa puso bilang iyong mga mithiin sa buhay.
|
|
Ang goal o mithiin ay ang tunguhin o pakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap.
|
|
1). Isulat ang iyong itinakdang mithiin
|
|
2). Isulat ang takdang panahon ng pagtupad ng iyong mithiin
|
|
3). Isulat ang mga inaasahang kabutihang maidudulot mula sa itinakdang mithiin at sa paggawa ng plano para rito.
|
|
3a.) Kung matamo mo na ang iyong mithiim, tunay kang nagtagumpay.
|
|
3b.) Sa panahon ng pagsubok sa pagtamo ng iyong mithiin, magiging hamon ang mga benepisyong ito para sa iyo.
|
|
3c.) Kung nakasulat ang mithiin sa buhay, nakagagawa ka ng mahusay na plano para maisakatuparan ang iyong mithiin sa buhay.
|
|
3d.) Kung satuwing umaga ay nababasa mo ang iyong plano, nagkakaroon ka ng tiwala sa sarili dahil alam mong mayroong direksyon ang iyong mga ginagawa sa araaw-araw.
|
|
4.) Tukuyin ang mga maaring balakid o hadlang sa pagtupad ng iyong mga mithiin.
|
|
5.) Isulat ang mga maaring maging solusyon sa mga balakid o hadlang na natukoy.
|
No comments yet.
Cheatography n. The art of mapping complex subjects into clear, instantly navigable reference guides.