1. Kinesics - ang katawan at mukha ay may iba't ibang gamit sa komunikasyon
• Sagisag - thumbs up, peace sign, middle finger
• Tagapaglarawan - magturo, magbigay-diin o direksyon
• Pagkontrol ng Berbal na Interaksyon - pagtango, pagtaas ng kilay, pag-iling
• Pandamdam - pagngiti, pagngiwi, pagsimangot
2. Proxemics - ang espasyo o distansya ay nagpapahayag din ng mensahe. May apat itong uri na tumutukoy sa relasyong namamagitan sa mga taong nag-uusap
• Intimate - nakadait ang mga balat ng katawan hanggang 18 pulgada
• Personal - tumutukoy sa "comfort zone" o di nakikitang bula na bumabalot sa isang tao; may sukat na 18 pulgada hanggang 4 na piye
• Sosyal - mula 4 hanggang 12 piye ang layo
• Pampubliko - mula 12 hanggang 25 piye
3. Haptics - ang paghipo ang pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon at naghahatid ng iba't ibang mensahe tulad ng tapik sa balikat, yakap, sampal, kalabit, tsansing, atbp.
Halimbawa: Nang magkasalubong kayo ng nakasigawan mong kaklase sa klasrum ay tinapik ka niya sa balikat
4. Artifacts - ang mga bagay na gawa ng tao ay magagamit din sa komunikasyon gaya ng kulay o disenyo ng kasuotan, dekorasyon, alahas, atbp. na may sikolohikal na epekto.
Halimbawa: Naninilaw at walang paglagyan sa katawan ang mga gold (-plated) na alahas ng kasabay mo sa FX, bagamat nakamumurahing tsinelas lamang siya.
5. Olfactory - Ang pang-amoy ay nagdadala rin ng mensahe tulad ng paggamit ng pabango, pagkilala sa kasama o mahal, pag-alala sa nakaraan, atbp.
Halimbawa: Habang naglalakad sa mall kasama ang syota ay winisikan ka ng saleslady ng hawak nitong pabango, ganoong-ganoon ang gamit na cologne ng iyong ex
6. Chronemics - Ito ay may kinalaman sa komunikasyong tempral at kung papaano ginagamit ng tao ang oras at panahon; bawat kultura ay mayroong "social clock" kung kailan dapat manalangin, kumain, mag-asawa, atbp.
Halimbawa: Pang-tatlumpu't isa mo ng Valentines Days ngunit wala ka pa ring kasama para ipagdiwang ito, sa susunod na taon ay wala ka na sa kalendaryo
7. Paralanguage -
Halimbawa: Hindi kumikibo ang kagigising pa lang na ka-boarding house mo nang isoli mo ang kaniyang sepilyo matapos itong gamitin ng walang paalam.