❖ Lagom o sinopsis - Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon. Karaniwang hindi lalampas ito sa dalawang pahina.Ito rin ang ginagamit sa mga panloob o panlabas ng pabalat ng isang nobela na tinatawag na jacket blurb.
❖ Presi - Muling paghahayag ito ng ideya ng may-akda sa sariling pangungusap ng bumasa, ngunit maaaring ng komento na nagsusuri sa akda. Wala itong mga elaborasyon, halimbawa, ilustrasyon, at iba pa.
❖ Sintesis - Isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring ideya o datos mula sa iba't ibang pinanggalingan (tao, libro, pananaliksik, atbp.) ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuuan o identidad. Pagsasama-sama ng mga ideya tungo sa isang pangkalahatang
kabuuan.
❖ Analysis - Paghihiwa-hiwalay ng mga ideya upang suriin ang huli.
❖ Abstrak - Isa itong maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebuy, proceedings, at papel-pananaliksik na isinumite sa komprensiya at iba pang gawain na may kaugnay sa displina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.Inilalahad ng abstrak ang masalimuot na mga datos sa pananaliksik at pangunahing mga metodolohiya at resulta sa pamamagitan ng paksang pangungusap o kaya'y isa hanggang tatlong pangungusap sa bawat bahagi.