PANAHON NG KATUTUBO 800 B.C. – 800 A.D.
•Syllabic writing o pagpapantig (Sanskrit, Alibata o Baybayin)
Natuklasan ang espisimen sa isang banga na may nakaukit na mga sinaunang
letra.
•Naibahagi ang mga salitang: dala, anak, asawa, diwa, biyaya, puri, masama,
wika, aklat, galit, sadya, sandata, mutya, panday at salita.
•Baybayin o Alibata ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat.
-Binubuo ito ng lapimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig.
PANAHON NG KASTILA 1565-1872
•March 15, 1521–Dumating si Magellan sa Pilipinas.
•February 13, 1565 –Dumating si Legaspi para sakupin ang Pilipinas.
•Ipinag-utos ng hari ng Espanya na turuan ng wikang Kastila ang mga katutubo.
•Hindi itinuro ng mga kastila ang kanilang wika, sa halip sila ang nag-aral ng wika ng mga katutubo.
•Ginawang sapilitan ang pag- aaral. Wikang Kastila sa pamahalaan, vernakular sa mga paaralan.
•Gayunpaman, nakabuti ang pasyang ito dahil nasimulan ang paglinang sa mga rehiyonal na wika.
•Romanisasyon ng Alibata o Alpabetong Romano (Abecedario)
-may dalawampu’t siyam (29) na titik, limang (5) patinig o vocales at dalawampu’t apat (24) na katinig o consonantes.
•Ang Alphabetong Romano ay pinagbatayan ng Abakadang Tagalog na may
dalawampung (20) titik.
PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN 1872-1898
•Panahon ng Kamulatan – namulat ang isipan at damdaming makabayan ng
mga Pilipino.
•Pinangunahan ng pangkat ng mga Ilustrado: Rizal, Luna, Del Pilar, Lopez Jaena
atbp.
•Nakapag-aral sa ibang bansa – Espanya (Europa)
•Natuto ng ibang ideolohiya (Nasyonalismo at demokrasya)
•Naitatag ang Kartilya ng Katipunan (Emilio Jacinto) na nakasulat sa wikang Tagalog.
•Maraming naisulat na akdang pampanitikan sa wikang Tagalog tulad ng tula,
sanaysay, kuwento, liham at talumpati upang magising ang mga Pilipino.
•November 1, 1897 – Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato- nakasaad na “Ang Wikang Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng mga Pilipino.”
•Itinadhana sa Artikulo 123 na ang ituturo sa elementarya ay wastong pagbasa, pagsasalita at pagsulat ng wikang opisyal na Tagalog at ang pangunahing simulain ng Ingles.
PANAHON NG AMERIKANO 1898-1990
•Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagbunsod ng malaking pagbabago sa kalagayang pangwika sa Pilipinas. Nagpatayo ng pitong pambayang paaralan sa Maynila. Naging unang guro ang mga sundalong Amerikano (Thomasites) na nagturo ng Ingles.
•March 4, 1900 – Alinsunod sa Pangkalahatang Kautusan Blg. 41, si Kapitan Alberto Todd ay nagsagawa ng mga hakbang tungo sa pagtatatag ng isang sistema ng edukasyon.
1. Pagtatag ng isang komprehensibong modernong sistema ng edukasyon.
2. Paggamit sa wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo.
3. Pagpapatupad ng patakarang sapilitang pagpasok sa paaralan.
•1901 – Pinagtibay ng Philippine Commission sa Bisa ng Batas 74 na gawing
panturo sa mga paaralan ang wikang Ingles.
•Oryentasyon ng mga Amerikano sa Edukasyon – Pagpilit sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo.
•Malugod itong tinanggap ng mga katutubo dahil mabuti ang pakikisama ng
mga Amerikano
•Uhaw ang mga Pilipino sa isang uri ng pag-aaral na liberal: Mga Paksa sa Paaralan: Kulturang Amerikano, Literatura, Kasaysayan, Pulitika at Ekonomiya.
•Ipinagbawal ang pag-aaral sa anumang bagay sa Pilipino.
•Nagkaroon ng Alphabet (A is for Apple kahit walang apple sa Pinas.)
•Lokal – baduy,
•Promdi / Imported – With Class, Sosyal.
•Pinaghalo ang wikang English at Tagalog (Enggalog o Taglish)
•Nagkaroon ng Cebuano-English, Ilokano –English at Carabao-English.